Witches
These are some thoughts I have on mornings when my hormones are at war, more than usual:
1. Pag passive ka, hindi ka sumasagot sa kahit na anong pinagsasabi ng kung sino, at 'ok' ang sagot mo sa lahat nga kahilingan, 'masyadong mabait na parang tanga' ang tawag sa yo.
2. Pag nagrason ka nang konti, at medyo tama ka naman, bastos ka.
3. Pag pinagbuti mo ang trabaho, epal ka.
4. Pag mas pinagbuti mo pa, at meron kang hindi agad nalamang info na dapat alam mo, may comment na 'akala ko ba magaling yang Christianne na yan?!, bakit hindi nya alam?'; so hindi ka magaling. Tanga ka pa rin.
5. Pag nagalit ka na kasi hindi ka nirerespeto, pero English ang pag-galit na ganap, may attitude ka. Minsan, hindi lang 'bitch' ang tawag. 'Witch' pa nga. Kasi ang English ko naman minsan, OA.
Naalala ko tuloy yung dati naming Sec, ang tawag sa amin ni Maan Anna Bernardo Francisco eh 'The Witches of Region 1'.
Actually, pinipigilan ko namang mag-transform sa bruha. Mas gusto ko, Wonder Woman, James Arsenio Ponce. Kaya lang, syempre, yung braso ko pa lang, waistline na ni Gal Gadot. Kaya bruha talaga ang default ko eh.
Pero, feeling ko, mas mabuti na lang na tawagin akong, 'witch', kesa 'tanga'. Di ba?
Umagang-umaga, pagod na ako.😆😆😆

Comments
Post a Comment